|
|
|
||||||
| Dagdag na pondo sa 'intelligence', pagbabantay na mabuti sa Batasang Pambansa at Senado, iniutos ni PGMA | ||||||
|
Tiniyak ng Pangulong Gloria
Macapagal-Arroyo na hindi pasusupil ang pamahalaan sa mga naghahasik ng
karahasan kaya inatasan niya ang Kagawaran ng Badyet na dagdagan ang pondo
sa ‘intelligence’, kasabay ng pagtiyak sa mga kinatawan at senador na gumawa
na ng mga hak-bang para maipagpatuloy nila ang mga sesyon nang payapa at
panatag. Sa talumpati sa 33rd Top Level Conference ng Kapisanan ng mga Brod-kaster ng Pilipinas (KBP) kagabi sa Grand Ballroom ng Oxford Hotel sa Clark Freeport Zones sa Angeles City, Pampanga, sinabi ng Pangulo na inatasan na niya si Kalihim Rolando Andaya ng Badyet na dagdagan ang pondo sa intelligence para sa ‘operations’ upang maagap na matunugan ang ano mang kasuklam-suklam na balak at masupil ang may pakana ng pagbombang tulad nang ginawa sa Batasang Pambansa noong Martes ng gabi na ikinasawi ni Kint. Wahab Akbar ng Basilan at sumugat kina Kint. Pryde Henry Teves ng Oryental Negros at Gabriela Party-List Rep. Luzviminda Ilagan at marami pang iba. Pinagbilinan din ng Pangulo si Kalihim Ronaldo Puno ng Interyor at Pamahalaang Lokal na huwag nang alisin ang bomb sniffing dogs na itatalaga sa Batasan at sa Senado at tiyakin ang kaligtasan ng mga kina-tawan at senador na maaaring balak utasin ng sino man. Binigyang diin din ng Pangulo na iniutos niyang pangalagaan ang mga tauhan ng media na may banta ang buhay para matiyak na ligtas sila. Sinabi ng Pangulo na hindi titigilan habang hindi nalulutas ang pag-bomba sa Batasan tulad ng paninindigang tiyaking malulutas ang pagpa-tay sa mga tauhan ng media. Idinugtong ng Pangulo na mula noong 2001, 21 nang tauhan ng media ang napaslang, dalawa na ang nahatulan at 21 pang kaso ang nililitis. |
||||||
| Pinuri ni PGMA ang media sa responsableng pagbabalita sa pagsabog sa Batasang Pambansa | ||||||
|
CLARK FREEPORT ZONE, Pampanga—Pinapurihan
ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang broadcast media sa responsableng
pagbabalita ng pagsabog Martes ng gabi sa Batasang Pambansa sa Quezon City. Sa talumpati sa 33rd Top Level Management Conference ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) dito, nagpasalamat ang Pangulo sa sambayanan at sa media sa pagtugon sa panawagan niyang iwasan ang ispekulasyon, haka-haka at pagtuturuang nakagugulo lamang at nagiging dahilan ng pagkabahala ng taong bayan. Sa paksang “New Media, New Challenges, New Beginnings,” ang tatlong araw na pulong ng KBP ay binuksan ni Butch Canoy, pangulo ng KBP at si Ruperto Nicdao, Jr., chairman ng KBP board, ang nag-ulat ng mga nagawa ng samahan at nagbigay ng pambungad na talumpati. Si Presidential Management Staff (PMS) head Cerge Remonde ang nag-pakilala sa Pangulo at sinabing nang siya ang chairman ng KBP board, inanyayahan niya ang noon ay Bise Presidente Arroyo bilang panauhin ng ika-24 pulong ng KBP, nangako ang Pangulo na dadalo tuwing may top level conference ang KBP at tinupad naman niya ito. Binigyang diin ng Pangulo na ang media ang matapat na tanod ng demo-rasya at pinasalamatan ang tulong sa pagpapaunlad ng ekonomya. Sinabi ng Pangulo na nasa landas na ng kaunlaran at katatagan ang eko-nomya kaya tinatamasa ngayon ang pagbuhos ng puhunan, malakas na piso, masiglang stock market at anim na milyong trabaho ang nalikha sa loob ng anim na taon. Ang lahat nang ito, sabi ng Pangulo, ay natamo sa suporta ng mapagmat-yag na kampeon ng demokrasya na gaya ng kasapi ng KBP. Pinuri ng Pangulo ang ginagawa ng media sa kapakanan ng bansa, pati ang Pambansang Pulisya sa maagap na pagkilos para mabigyan ng seguridad ang mga mambabatas kaugnay ng pagsabog sa Batasan na ikinamatay ni Kint. Wahab Akbar ng Basilan at ng tatlo pang iba. Hiniling din ng Pangulo sa broadcast media na ipaalam sa taong bayan at sa mga kaibigan sa loob at labas ng Pilipinas na hindi titigil ang gob-yerno hanggang hindi nadarakip ang may kagagawan ng pambobomba. Hiningi ng Pangulo sa mga brodkaster na hilingin sa Kongreso na pagti-bayin agad ang panukala ng administrasyon na gawing heinous crime na may parusang habang buhay ng pagkabilanggo ang pag-iingat ng mga pampasabog. |
||||||
| Patuloy si PGMA sa pagtutuon ng pansin sa kinabukasan at pagpapaunlad pa ng ekonomya ng Pilipinas | ||||||
|
Bilang lider ng bansa,
nakatuong lagi ang pansin ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa
kinabukasan at pagpapaunlad ng ekonomya ng bansa at hindi naaabala ng
resulta ng survey. Tugon ito ni Kalihim Pampahayagan at Tagapagsalita ng Pangulo Ignacio R. Bunye sa huling survey na inilabas ng Pulse Asia na nagsabing ang distrust rating ng publiko sa Pangulo ay pinakamataas sa limang mataas na pinunong pambansa. Idinugtong ni Bunye na ang survey ay tumaas-bumaba, nguni’t patuloy ay matatag na nakahawak sa daong ng barko ng estado at matatag ang paninindigang paunlarin ang ekonomya, kapanatagang pampulitika at kapayapaan at kaayusang pambayan. Sa talumpati sa 33rd Top Level Management Conference ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) sa Clark Freeport Zone sa Pampanga kagabi, inamin ng Pangulo na ipinasiya niyang huwag pansinin ang sirko ng pulitika sapagka’t hindi ito makatutulong para paunlarin ang ekonomya. Binigyang diin ng Pangulo na dapat haraping mabuti ang pagpapaunlad ng ekonomya ng bansa. Sinabi ng Pangulo na ang karamihan sa mga kababayan natin sa malala-yong lalawigan ay ‘naghihintay ng resulta, hindi mapalabok na salita, aksiyon, hindi pagpapakitang gilas na pampulitika upang makasulong ang ating bayan at ituon ang pansin sa mga isyu na mahalaga sa kinabu-kasan ng bansa. Ngayong nalalapit ang Kapaskuhan, hiniling ng Pangulo sa lahat na mag-kapit-bisig at tulungan siyang ihatid ang mga bunga ng kaunlarang panh-kabuhayan sa pintuan ng tahanan ng bawa’t kapus-palad na Pilipino na tunay na nangangailangan upang mapaginhawa ang buhay nila. Ayon kay Bunye, sa Kapaskuhang ito, magsama-sama tayo para tulungan ang mga kababayan nating kapus-palad sa pamamagitan ng pagdadala sa kanila ng pagkain at kailangan sa buhay. |
||||||