|
|
|
|||||||
| Pahayag ni Kalihim Ignacio R. Bunye: Tungkol sa 'Impeachment' | |||||||
| Ngayong tapos na ang bagay na ito, makakikilos na tayong pasulong at ituon ang pansin sa mga isyung mahalaga sa ating kinabukasan. Ang labis na pagkaabala sa pulitika ay hindi nagsusulong ng kapanatagan, pag-unlad, kapanatagan at kaayusang pambayang kailangan natin upang madala ang Team Philippines sa hangad na kasaganaan. | |||||||
|
|
|||||||
| Dahil sa pagsabog sa Batasan, pinulong ni PGMA ang NSC para tayahin ang kapanatagan at paghandaan ang banta | |||||||
|
‘Hindi titigil ang inyong pamahalaan habang
hindi nahuhukay ang ugat ng trahedyang ito. nakikita at napaparusahan ang
mga may kagagawan.’ Ito ang sinabi ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo nang pulungin niya ang Lupong Tagapagpaganap ng National Security Council (NSC) kagabi para talakayin ang kapanatagang pambansa at gumawa ng hakbang para harapin ang ano mang banta pagkatapos ng pagsabog ng bomba sa Batasan na ikinasawi ng tatlo katao at pagkasugat ng halos 12 katao. Dumalo sa biglaang pulong sina Executive Secretary Eduardo Ermita. Kalihim Ronaldo Puno ng Interyor at Lokal na Pamahalaan, Heneral Hermogenes Esperon, Jr., puno ng Sandatahang Lakas (AFP), National Security Adviser Norberto Gonzales, acting Justice Secretary Agnes Devanadera, ayon kay Kalihim Pampahayagan at Tagapagsalita ng Pangulo Ignacio R. Bunye. Sa pahayag bago maghating-gabi, nanawagan ang Pangulo sa samba-yanan na iwasan ang haka-haka, paratang at sabi-sabi na maaaring lumikha lamang ng kaguluhan, takot at hidwaan kasabay ng pagtiyak na pinakilos na niya ang pulisya at ang Sandatahang Lakas upang tiyakin ang kaligtasan ng buong bansa. Hiningi rin ng Pangulo sa lahat na sa halip magturuan, magkapit-bisig at magmatyag laban sa iba pang mga banta na maaaring nakaumang sa ating kapayapaan. Sinabi ng Pangulo na inatasan niya agad ang Puno ng Pambansang Pulisya Avelino Razon at si Hen. Hermogenes Esperon, puno ng Sandata-hang Lakas na tiyakin ang kaligtasan ng Kamaynilaan at ng buong bansa laban sa ano mang masamang banta ng sino man. Nakiramay rin ang Pangulo sa mga biktima ng pagsabog sa Batasan. Kabilang sa nasawi sa pagsabog ng bomba sa south wing ng Batasan sina Kint. Wahab Akbar ng Basilan, ang tsuper ng isang kagawad ng partylist na si Marcial Ruado at isang pamangkin ni Kint. Henry Teves. Si Kint. Teves ay malubha ring sugatan sa sumabog na bomba. Si Razon ang tuwirang pinagsisiyasat ng Pangulo sa trahedyang ito at pinagbilinang mag-ulat sa kanya sa mga pangyayaring kaugnay ng pag-sisiyasat at paggawa agad ng karampatang hakbang para hindi na maulit ang ganitong trahedya. |
|||||||
|
|
|||||||
| Misa para ng bagong Papal Nuncio, dinaluhan ni PGMA | |||||||
|
Dinaluhan ng Pangulong Gloria Macapagal-Aroyo
ang misa ng bagong sugo ng Papa sa Pilipinas, Arsobispo Edward Joseph Adams
sa Katedral ng Maynila sa Intramuros Martes ng gabi. Nagpasalamat sa Pangulo si Arsobispo Adams sa pagdalo sa isa at kala-hating oras misa at ito ay itinuring na malaking karangalan niya at nag-silbi pang pormal na pagtanggap sa kanya sa ngalan ng mga Pilipino. Idinugtong ng Sugo ng Papa na ipinadala siya ng Papa upang ihatid sa inyo ang pag-ibig at kapayapaan. Nakabughaw na damit ang Pangulo na dumating sampung minuto bago ang nakatakdang misa ng ika-5 ng hapon at sinalubong ni Arsobispo Gaudencio Rosales ng Maynila na siyang naghatid sa kanya sa upuan sa harap kasama ang Pangalawang Pangulong Noli de Castro. May 30 arsobispo at obispo ang dumalo sa misa habang 300 katao, kara-mihan ay pari at madre, mga kagawad ng Diplomatic Corps, at mga dumalo sa misa. Si Arsobispo Adams ay sa Philadelphia, Estados Unidos isinilang noong Agosto 24, 1944. Itinalaga siya ni Papa Benito XVI bilang sugo sa Pilipinas noong Setyembre 3. Naordinahan siyang pari noong Mayo 1970, si Adams, 63, ang ika-15 sugo ng Papa sa Pilipinas. Bago natalaga rito, naging sugo siya ng Papa sa Bangladesh noong 1996 at nataas bilang Arsobispo ng Scala bago ipinadalang sugo ng Papa sa Simbabwe noong Agosto 2002. Si Adams ay may Doctorate sa Canon Law at natanggap sa Diplomatic Service ng Batikano noong 1976 at natalaga sa Rwanda, Secretary of State ng Batikano, Kenya, Honduras, Ireland, Denmark at Czech Republic. |
|||||||
|
|
|||||||
| Pahayag ni Kalihim Ignacio R. Bunye: Tungkol sa pambobomba | |||||||
|
Naglaan ang Pangulo ng P5 milyong gantimpala sa
ano mang impor-masyong hahantong sa pagdakip sa mga nagsagawa ng pambobomba,
maiwasan ang pagkaulit ng ganitong pangyayari o ano mang magiging daan ng
pagkasamsam ng mga ilegal na pampasabog. Mangyaring tumawag sa PNP Hotline 091784755757. |
|||||||
|
|
|||||||
| Inilunsad ni PGMA ang Bridges Program para sa kapayapaan | |||||||
|
Inilunsad ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo
ang Bridges Program para sa buong Asya sa Malakanyang kaninang umaga upang
mapabilis at mapag-ibayo pa ang pag-uusap at komunikasyong hahantong sa
kapaya-paan at kaunlaran sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Sa paglulunsad, ibinigay ni Jaime Augusto Zobel de Ayala, chairman at CEO ng Ayala Corporation at chairman ng Bridges sa Pilipinas, ang sipi ng buong programa ng Bridges mula Nobyembre hanggang Abril 2008. Ibinigay naman ni Uwe Morawetz, nagtatag ng International Peace Foun-dation na nakabase sa Vienna, ang ginintuang Thai art piece sa Pangulo dahil sa pagsisikap niyang mailunsad ang Bridges program sa bansa. Sumaksi sa paglulunsad si Nobel Economic Laureate Professor Robert Alexander Mundell ng Columbia University at ang usapan tungkol sa kul-tura ng kapayapaan sa Ceremonial Hall ng Malakanyang. Ang programang ito ang unang ganitong uri sa ASEAN at magkakaroon ng mga lectures ngayong 2007 at sa 2008 sa Pilipinas bago tumungo sa Malaysia sa magtatapos ang 2008 hanggang 2009. Ang Bridges ay ginawa sa Thailand noong Nobyembre 2003 hanggang Abril 2005. Ang talakayan ng Pilipinas-Thailand ay kontribusyon sa “The Decade for a Culture of Peace and Non-Violence’ at isinulong ng General Assembly ng United Nations. Simula ngayon (Nob. 14) hanggang Abril 2008 ay magkakaroon ng lecture sa iba-ibang kolehiyo at pamantasan sa bansa. Sa magsasalita ay kabi-lang sina Prop. Mundell, 2004 Nobel Laureate for Physics David Jonathan Gross ng University of California at 2004 Nobel Laureate for Economics Finn Erling Kydland ng University of California at Tepper School of Busi-ness of the Carnegie Mellon University sa Pittsburg; 1975 Nobel Laureate for Medicine David Baltimore ng California Institute of Technology; 2004 Nobel Laureate for Chemistry Aaron J. Ciechannover ng Technion Israel Institute of Technology sa Haifa, 1996 Nobel Laureate for Peace Timor-Leste Pangulong Jose Ramos-Horta at patron ng IPF at bankerong James D. Wolfensohn, chairman ng Wolfensohn & Company LLC. |
|||||||
|
|
|||||||
| Maaari na nating harapin ang mga bagay para sa bayan ngayong mabigo na ang kasong 'impeachment' sa House | |||||||
|
Maaari na nating harapin ngayon ang maraming
mahahalagang bagay sa kapakanan ng sambayanan matapos ‘durugin’ sa
Kapulungan ng mga Kinatawan ang kasong impeachment na nabigong katigan ng
Lupon sa Katarungan ng Kapulungan. Sa briefing sa Malacanang Press Corps kaninang hapon, sinabi ni Kalihim Pampahayagan Ignacio R. Bunye na sa panig ng Palasyo, ngayong tapos na ang isyung ito sa komite, maaari na tayong kumilos para harapin ang iba pang isyung mahalaga para sa atin. Marami pang dapat pagkaabalahan, sabi ni Bunye, kabilang na ang mga programa ukol sa edukasyon, kalusugan, kagalingang panlipunan, imprastraktura at ang kampanya para pawiin ang gutom at kahirapan. Binigyang diin ni Bunye na ito ang mahalagang pagtuunan ng pansin ngayong malaman nating doon pa lamang sa komite ay nadurog na ang kasong impeachment salig sa mabibigat na kadahilanan. Sa isang pahayag, sinabi pa ni Bunye na lutas na ang bagay na ito kaya dapat na tayong humakbang na pasulong tungo sa mga bagay na mabuti para sa ating kinabukasan. Ang labis na pagkaabala sa pulitika, dagdag pa ni Bunye, ay hindi nagi-ging daan ng katatagan, kapanatagan at kaayusang pambayan na siyang kailangan ng bansa upang makasulong ang Team Philippines. |
|||||||
|
|
|||||||
| Hindi nababahal ang daigdig ng turismo sa pagsabog ng bomba sa Metro Manila at ingay-pampulitika | |||||||
|
Hindi nababahala ang daigdig ng turismo sa
ingay-pampulitika at mga pagsabog ng bomba sa Metro Manila. Ito ang sinabi ni Ho Kwon Ping, chief executive officer (CEO) ng Banyan Tree Group nang ihayag ang paninindigan ng kanyang kompanya, lalo na sa industriya ng turismo sa daigdig, kaugnay ng pagsabog sa Glorietta Mall 2 sa Makati City noong Oktubre at Batasang Pambansa kagabi. Sa press briefing sa New Executive Building, pagkatapos na siya at si Ariel Vera, COO ng Banyan Tree Group, ay makipagkita sa Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Music Room ng Palasyo ngayong hapon, tahasang sinagot ni Ho na hindi makasisira ng loob ng mga imbestor sa larangan ng turismo sa bansa ang ingay sa pulitika at pambobomba. Idinugtong niya na ang pinakamalaking panganib sa puhunan ng Banyan Tree Group ay ang likha ng bird flu, severe acute respiratory syndrome o SARS at ang tsunami. Sinabi niya na ang daigdig ng turismo ay sanay na sa mga panloob na kaguluhan at hindi ito itinuturing na malubhang bantang makapipinsala sa kanilang puhunan. Sa kabilang dako, sinabi naman ni Kalihim Joseph Ace Durano na ang pagparito ng Banyan Tree na isa sa pangunahing nagdedesenyo at namamahala sa malalaking resorts, otel at spas sa buong daigdig, ay malinaw na palatandaang ang Pilipinas ay tunay na kaakit-akit para pag-lagyan ng puhunan sa turismo. Idinagdag niya na sa tulong ng kagandahang-loob ng mga Pilipino, gayundin ang paninindigan ng mga nasa industriya ng turismo sa bansa, malalakdawan ng Pilipinas ang ano mang problemang maaaring ibunga ng kaguluhang panloob sa bansa. Ang Banyan Tree Group ay may mga sangay sa iba-ibang dako ng daigdig na gaya ng Bali, kapital ng Indonesya sa turismo, Phuket sa Thailand at maging sa Mexico at Gitnang Silangan. Sa pakikipagkita sa Pangulo, sinabi ni Ho na ang Banyan Tree Group ay tutupad na sa pangakong palalawakin ang negosyo nila sa Pilipinas sa pamamagitan ng paglalagay ng US$70 milyong bagong puhunan sa walang taong 55 ektaryang Dinaran Island sa Coron, Palawan. Ang Dinaran Island ay 15 minutong biyahe sa speedboat mula sa Coron. |
|||||||
|
|
|||||||