OPSwebsite2007ban-spch-V3.jpg (38455 bytes)


PGMA's Speech during the Presentation of the Awardees of the Micro-Entrepreneurs of the Year Awards

Heroes Hall, Malacanang

14 November 2007

Maraming salamat Secretary Cerge Remonde.

Una sa lahat, binabati ko si Joey Concepcion ang ating consultant sa entreprenuership dahil yung trabahong kailangan natin sa pagplano at programa ng mga entreprenuership, yung advocacy ang isang malaking bahagi at wala ng kailangang dagdag na gawin pa si Cerge Remonde dahil ginagawa na ni Joey Concepcion. Congratulations!

I’d also like to greet the country head of Citigroup Sanjeev Bora because Citibank is one of the banks that lend to the microfinance institutions who in turn lend money to our micro-entrepreneurs.

I understand from Sanjeev that one of his... One of the conduits is card based in San Pablo, one of the dozen or so very successful microfinance institutions.

I’d like to greet the chairman of the People Credit and Finance Corporation si Egay Generoso. Ito ay yung korporasyon na nalikha doon sa anti-poverty law na ang inyong lingkod ang principal author sa Senado at talagang trabaho ng PCFC ay ipalago ang micro-finance na dinadaan din sa mga micro-finance institutions. At kaya babatiin din natin si Nestro Custodio, ang general manager ng Rural Bank of Bulacan dahil siya nga yung isang pinagdadaanan ng salapi ng PCFC at ito ang umaabot sa ating mga nagtanggap ng tseke kanina.

Ganundin din yun National Livelihood Support Fund. Itong National Livelihood Support Fund ay ito naman yung dating KKK – Kilusan... Ano ba yun? Basta yung tungkol sa... Kabuhayan at Kaunlaran. At ginawa nating National Livelihood Ssupport Fund so ito ay matagal na institusyon na at ganun din... Noong araw wala pang micro-finance talaga pero ngayon at nagkaroon ng micro-finance dahil meron naman silang puhunan pa ay dinadaan din ang kanilang salapi sa mga conduit micro-finance kagaya noong Rural Bank of Bulacan.

Pero ngayon pinagsasama-sama na natin Eegay, ano? Yung nlsf at saka yung PCFC. Matagal na nagka-problema kasi yung isa ay corporate pati ang sweldo corporate, yung isa naman ay bureau at pati sweldo ay bureau. So, you can imagine sino yung mas mataas ang sweldo sa dalawa. Meron silang problemang ganun. Pero inaayos natin yun. In other words, hindi bababa ang sweldo ng kahit na sino dito sa ating pagka-kombina nung dalawang ‘yun.

At gusto ko ring batiin yung iba’t-ibang mga nanalo. Congratulations sa ating mga micro-entrepreneur of the year awards. Kayo ay inspirasyon sa napaka-maraming Pilipinong gusto ngang maging negosyante.

At kinukwento ni Joey sa akin yung ilang mga kasaysayan ninyo na lumabas doon sa video kahapon doon sa Central Bank.

Our awardees bravely wrestled all kinds of trials and challenges to get to where they are now. Meron yung mga nabubuwag ang pamilya. Meron yung mga halos mamamatay ang anak at wala ng panggagalingang panggastos. Nagdasal sa panginoon at lumago ang negosyo. And we can still produce more entrepreneurs of their caliber – innovative and daring.

Congratulations din kila Joey Concepcion, Citigroup, PCFC, yung NLSF, yung ating mga micro-finance institutions kagaya ng Rural Bank of Bulacan, yung Micro-SMED Council of the Philippines headed by Cerge Remonde, because of your glowing example of civic leadership. At salamat din sa Central Bank kung saan ginanap yung programa ninyo kahapon. Ay ako dun na sana ako dadalo kaya lang Tuesday ay Cabinet day. Pero ako naman ay nasiyahan nung sinabi ni Joey kahit na hindi ako makapunta kahapon pupwedeng pumunta kayo ngayon. Eh sabi ko tamang-tama dahil gusto natin talagang i-highlight yung importansya ng micro-finance sa ating ekonomiya.

Kaya kino-congratulate din natin yung mga nagtanggap ng mga tseke mula sa Rural Bank of Bulacan kung saan ang puhunan ay dumaan sa Rural Bank at nanggaling sa PCFC at saka NLSF at yung halos lahat kayo ay second or third borrowing na ito kaya maayos na ang inyong mga unang puhunan na napaka-liit noong araw, pinalaki nang pinalaki ninyo, eh ilan sa inyo ay malapit ng maging small enterprise kung hindi pa ngayon from micro-enterprise.

The current benign, stable growth conditions are likely to spark a wave of entrepreneurial activity in the Philippines. And itong mga nanditong pumunta sa entablado, ito ay mga senyas na ito nga ay nangyayari na.

Kailangan natin ang napaka-masigasig na middle class kung aabot tayo sa pinto ng first world sa loob ng dalawampung taon na ito ang ating aspirasyon. At itong sistemang itinayo na una sa lahat ay lumaganap sa sarili pero pinalakas ng anti-poverty law ay sa ilang mga lugar, in many key areas we have promoted a new entrepreneurial class. At isa na nga dito ay yung micro-finance

Itong micro-finance, itong PCFC ay nagsimula noong 2001. Although meron ng ilang mga micro-finance noon pa, yung PCFC ay nagsimula noong 2001. Yung ating programang dedicated ng pamahalaan na micro-finance ay nagsimula noong 2001. At mula noon, itong sistemang ito kasama ang PCFC, NLSF, Citigroup, yung mga micro-finance institutions gaya ng Negros Women for Tomorrow, yung Rural Bank of Bulacan, yung card at yung iba pang mga kagaya ng sinasabi ko isang dosenang mga napaka-successful na mfi, itong buong sistema ay nakapaghiram na ng higit sa 80 billion pesos sa nakaraang anim na taon sa mga low at middle income na lalaki at babae na gustong magsimula ng kanilang mga negosyo.

Banggit ko lalaki at babae, kasi itong micro-finance nagsimula doon sa Bangladesh, si Dr. Yunus, nagsimula ito ang kanyang talagang tanging beneficiary ay yung incomeless assetless rural women. Pero siyempre, we adjust the system to our own system. At sabi nga ni Joey kanina ay kahanga-hanga na kasama sa ating siyam na awardees ay tatlong lalaki. And that is something that is very remarkable in the Philippines. A new development kasi talagang dati-dati yung mga babae ang talagang pinaka-magaling sa micro-enterprise at pinaka-magaling magbayad ng utang.

Well, this more than 80 billion pesos that the whole micro-finance system – government and non-government – has lent has generated 1.82 new jobs in the last six years. In addition, our Central Bank who is much to be admired also for what it has been doing hindi lang sa karaniwang micro-entrepreneurs kung hindi na rin it has created a series of investment incentives and programs for foreign remittances, yung mga pera ng ofw kasi dahil lumalakas ang piso. Kung hindi naman lumalakas ang piso tataas masyado ang presyo ng bilihin dahil mataas ang presyo ng langis ngayon sa buong mundo. Pero meron syempreng mga disadvantages yung mga dollar earners gaya ng ofw kaya dapat na nadadagdagan yung kanilang pinapadala sa pamamagitan ng nagiging puhunan at hindi lamang for consumption. And the central bank has that program of transforming remittances into investment for capital enterprises.

Doon naman sa SME kung saan itong ating mga successful entreprenuers hindi na siguro tatagal hindi na magiging micro-entrepreneur kung hindi small enterprises na. Hindi na kailangang humiram sa micro-finance institutions kung hindi diretso na sa mga rural bank na kahit na hindi micro-finance or sa mga savings banks. This small and medium enterprise system, more than P100 billion has been released to SME accounts under the Sulong program which was started in 2004 and that has supported 1.71 million jobs of which half-a- million are new jobs.

We want the benign, stable growth conditions to continue.

When I came here, Countryhead Sanjeev Bora said, tough day today.

Nakikiramay tayo at nagdarasal para sa mga nasawi at nasaktan, kasama na ang ilang mambabatas, sa pagsabog sa Batasan kagabi. Habang nagsisiyasat ang pulis at pinagtitibay ang pagbabantay sa bansa, nananawagan tayo na iwasan ang mga haka-haka, paratang at sabi-sabi na maaaring lumikha ng kaguluhan, takot at hidwaan at lalong sasama ang kondisyon ng mga negosyo. Sa halip na magturuan, kailangang magkapit-bisig tayo, magmatyag laban sa iba pang banta na maaaring nakaumang sa ating kapayaaan.

Walang salitang makakabigkas ng pagkasuklam natin sa karahasang ito. Subalit hindi tayo magpapasupil sa mga nagpakana nito. Kasi gusto nating tumuloy ang ating magandang at matatag na kondisyon ng pagsulong ng ekonomiya maging sa mga malalaking negosyo gaya ng Citibank or maliliit na negosyo gaya ng ating mga micro-entrepreneurs na nagwagi at nagtanggap ng renewal ng mga pautang ngayon.

The rule of law must prevail. No person is above the law. Justice must be served and the law upheld.

We are creating by Executive Order a task force against political violence to be headed by the Department of National Defense with the following as members: Department of Justice, Department of Interior and Local Government, Office of the Adviser on the Peace Process, Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, National Bureau of Investigation, Department of Social Welfare and Development and the Public Information Agency working with the judiciary, the Council on Values Formation, the Union of Local Authorities of the Philippines and non-government organizations.

The mandate of this task force shall be to harness and mobilize government agencies, political groups, the religious, civil society, sectoral organizations and the public for the prevention, investigation, prosecution and punishment of political violence. The care and protection of people and communities victimized and threatened by violence, and the promotion of a culture opposed to violence and for the advancement of reconciliation and peace.

Kung itong task force ay magiging kasing-bisa nitong ating Go Negosyo partnership ng gobyerno, NGO at maliliit na negosyante ay talagang mareresolba natin ang problema ng political killings gaya ng pagresolba natin ng malaking bahagi ng kahirapan dahil sa ating micro-entrepreneur and micro-finance system.

Palagay ko, kayong mga micro-entrepreneurs at yung mga nagpapahiram at tumutulong ng technical assistance gaya ng Citibank ay isang dahilan kung bakit bumaba ang self-rated poverty. Pinaka-mababa sa ating administrasyon hambing sa ibang administrasyon.

And so, I thank you for all being here because with your support, we will make this an era of peace, re-assurance, stability and prosperity.

Once again, congratulations sa mga bagong pina-utang at mga nagwagi gantimpala.

Maraming salamat sa inyong lahat.

[HOME]