pananaw banner.gif (35892 bytes)


Pananaw mula sa Palasyo
(Para sa linggong nagtatapos sa 11 Nobyembre 2007)

HATIAN NATIN NG BIYAYA ANG MGA KAPUS-PALAD

Sa panunumpa ng mga pinuno ng Philippine Chinese Chamber of Com-merce and Industry Sabado, tiniyak ng Pangulo na patuloy siyang mamumuno sa bansa nang tungo sa pagdaraos ng bagong halalan at pagpili ng bagong lider. Nanawagan siya ng suporta para matiyak ang katatagang pampulitika, patuloy na pag-unlad at pamamayani ng katahi-mikan at kaayusang pambayan upang huwag tayong mahulog sa mga kawalang katiyakang bunga ng taon ng halalan.

Hiniling din ng Pangulo sa mga dumalo na pagbilinan ang mga puliti-kong sinusuportahan nila na ituloy ang pagtulong sa taong bayan. Ilang buwan pagkaraan ng halalan noong Mayo na nagbukas ng bagong Senado at Kapulungan ng mga Kinatawan, hindi na natigil ang walang humpay na talumpatiang negatibong pulitika ang laman. Kaya naman, hinamon ng Pangulo ang ating mga mambabatas na lubayan ang away na pampulitika at simulannang magpatibay ng mga batas gaya ng pana-wagan ni Senador Edgardo Angara na humiling sa mga kasamahan niya na “tigilan na ang pamumulitika at harapin ang mga trabaho.” Malinaw, sabi ng Pangulo, naipakita ng Kongreso sa nakaraang mga panahon na kapag inilagay nito sa isang tabi ang pamumulitika, napagtitibay ang mahahalagang batas na magiging daan ng pagbuti ng buhay ng lahat ng mga Pilipino, tulad ng btas ng VAT na nakatulong nang malaki para makalikom ng malaking buwis ang ating pamahalaan.

Nananawagan tayo sa Kongreso na pagtibayin na ang kailangang-kaila-ngang batas ng murang gamot. Nais din naming mapagtibay ang 2008
General Appropriations Act. Harapin natin ang mga isyu at mga bagay na magbibigkis sa atin nang iginagalang ang kuru-kuro ng bawa’t isa sa mga bagay na hindi tayo nagkakasundo.

Hindi naman ang ibig sabihin ay wala nang tututol. Gayunman, kung ang kaunting hindi pagkakasundo at kontradiksiyon ay bahagi ng pro-seso para maisulong ang bansa, dapat pa rin tayong mabigkis ng nag-kakaisang layunin at ng sama-samang kaalaman kung saan natin ibig madala ang ating bansa.

Ang panawagang snap elections at walang tigil na pamimintas laban sa administrasyon ay walang naitutulong sa hangarin ng sambayanan na malampasan ang mga suliranin sa ekonomya sa tulong ng punyagi at pagtutuon ng pansin sa hinaharap. Tulad nang sabi ng Pangulo, ang termino niya ay magtatapos sa 2010. Napakaraming dapat gawin para mapangalagaan ang mga nagawa na para tumatag ang ating ekonomya at lumaganap ang mga biyaya nito sa buong bansa.

****

Ang malungkot na kuwento ng 11 taong gulang na si Marianet Amper na nagpakamatay sa napakamurang edad ay nakabigla sa bawa’t Pilipino. Para sa aming nasa gobyerno, nagsilbi itong tagapagpagunita kung gaano kahalaga na maiangat ang kalagayan sa buhay sa milyun-milyong Pilipinong maralita.

Iniutos ng Pangulong Arroyo na maglabas ng P1 bilyon para bakahin ang gutom. Inatasan niya ang Kagawaran ng Pagsasaka at iba pang ahensiya ng gobyerno na tiyaking may sapat na abot-kayang bigas sa pamilihan. Hinggil sa trabaho, ang nasabing kagawaran ay patuloy rin sa pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamayanan at sa pribadong sektor para sa pagsasanay sa kaalamang panghanap-buhay. Nakatuong lagi ang pansin ng Pangulo sa pagsisikap na mapaabot sa lahat ng tao ang mga biyaya ng pag-unlad ng ekonomya, subali’t hindi makakamit ang pagbabago sa iisang iglap. Kailangan ang sama-samang pampuli-tikang pagkilos na tinambalan ng masiglang pakikiisa ng buong bayan, para magtagumpay tayo sa walang tigil na pakikibaka laban sa karali-taang matagal nang nag-ugat sa ating bayan.

Sa liham niya sa bantog na programa sa telebisyon, ang mga hiling ni Marianet ay waring simple lamang sa iba, subali’t malinaw na lahat-lahat sa buhay niya ang isang pares na sapatos, bagong bag at hanapbuhay para sa mga magulang niya. Sa lahat ng sulok ng kapuluan, malamang na makatagpo tayo ng mga batang simple lamang na ganito ang pangarap na inaasam-asam na makamit.

Bagaman napakalaki ng papel na ginagampanan ng gobyerno para lupigin ang karalitaan, ang pagkakaloob sa isang dukhang bata ng kan-yang nais ay nasa dulo lamang ng daliri ng maraming Pilipino. Para sa mga pamilyang higit na mapalad kaysa iba, maghanap sana tayo ng pagkakataong may maihati sa ating mga biyaya at palaganapin ang katiwasayan sa mga pook na ating tinitirahan. Nasa ating lahat ang diwa ng pagbibigay at hindi natin dapat limuting dapat nating ihati sa kaliga-yahan ang mga kapus-palad. Bukas-bisig na tatanggapin ng Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Kaunlaran ang ano mang pakikiisa ng mga samahang pambayan, mga mapagkawanggawang kompanya at kahit karaniwang mamamayang nagnanais ma ibahagi ang ano mang karampot nilang biyaya sa mga pook ng maralita.

****

[TOP] [HOME]