..

31 MAY 2003

bulet-arow.gif (856 bytes) President's radio address to the nation
bulet-arow.gif (856 bytes) Developers ask for more time to build 237,076 housing units up to 2004
bulet-arow.gif (856 bytes) GMA to certify 3 bills to prevent repetition of the Manila Bay sea tragedy

President's radio address to the nation

Magandang umaga sa lahat ng ating tagapakinig. Ipinapa-abot ko ang aking taos-pusong pakikiramay sa mga pamilya ng mga nasawi sa trahedya sa karagatan noong linggo at sa mga napinsala nang nagdaang bagyo.

Tag-ulan na naman at kailangan ang ating ibayong pag-iingat upang maging ligtas sa mga kalamidad na karaniwang nagaganap sa ganitong panahon. Tulad ng bagyo, baha at malalaking alon sa dagat. Ang ibat-ibang ahensiya ng pamahalaan ay may kani-kaniya nang paghahandang isinasagawa para sa mga oras ng kagipitan o biglang pangangailangan.

Ang MMDA at DPWH ang mangangasiwa sa flood control at traffic management, ang DA sa agricultural contingencies, at ang Pag-asa para sa pag-uulat ng lagay ng panahon. Ang DPWH ay may assistance teams na handang gibain ang mga sagabal sa rescue operations at repair and restoration teams na magsasa-ayos kaagad ng mga nasirang daan, tulay at iba pang imprastraktura. Ang DSWD ay laging may nakalaang P300,000 worth of relief goods sa bawa’t regional offices upang makatulong sa isanlibong pamilya sa kanilang nasasakupan.

Ang DOH ay nakabantay sa paglaganap ng mga napapanahong sakit kagaya ng waterborne diseases, at bagama’t hindi na tayo kasama sa SARS list ng WHO, kailangan pa rin nating ipagpatuloy ang ating lubusang pag-iingat. Ang DTI ay may mga Price Coordinating Councils na nagmamatyag sa presyo ng imbentaryo ng mga pangunahing bilihin. Ang DepEd ay abala sa muling pagbubukas ng klase, at inaayos ang kahandaan ng mga silid aralan, pagtatalaga ng tamang bilang ng mga guro, pagkakaroon ng wastong dami ng libro, pagtuturo sa mga lugar na may kaguluhan at pangangalaga sa kalusugan ng mga mag-aaral.

Ang lahat ng ating mga pamahalaang lokal ay dapat ding maging alerto sa tuwina. Hindi tayo dapat pangunahan ng takot o pagkabigla at sa halip ay mabilis na sumaklolo sa mga pagbaha, pagguho ng lupa, at iba pang kapahamakan.

Tungkol sa naganap na banggaan ng mga barko, nagsasagawa na tayo ng imbestigasyon para malaman kung sino ang may kasalanan at dapat managot dito. Titiyakin din natin na ang lahat ng naging biktima ay mabigyan ng angkop na kabayaran at katarungan. At masusi nating pag-aaralan kung paanong hindi na mauulit pa ang ganitong trahedya. Kaya naman, patutunayan kong apurahin ang tatlong panukalang-batas na may kinalaman sa kaligtasan sa pagbibiyahe lalo na sa karagatan

I am certifying as urgent three bills, seeking to create an independent National Transportation and Safety Board to investigate all major and serious transport accidents on land, air and sea; providing for the integration of government agencies into one body to provide coherent direction for maritime development; and seeking to upgrade all maritime laws into a Maritime Code of the Philippines.

Ang lahat ng ating ginagawa sa pamahalaan ay para sa ikabubuti at ikagagaling ng ating mga kababayan. Ito rin ang prinsipyong gumabay sa akin sa mga pakikipag-usap na ginawa ko noong state visit sa Estados Unidos. Salamat naman at nakapag-uwi ako ng kasunduang makapagdudulot ng mahahalagang benepisyo sa marami nating mga kababayan.

Halimbawa na lamang itong kabawasan ng bayad sa pag-remit ng pera ng mga OFWs sa kani-kanilang mga pamilya. Kakausapin ng Amerika ang mga bangko upang ang sinisingil nilang transaction fees kaugnay nito ay maibababa sa kalahati. Ito ay inaasahan nating matatapos sa loob ng anim na buwan siguro at makakapagbigay ng netong katipiran na tatlong daang milyong dolyar ($300) na madadagdag sa ipinapadala ng mga OFWs sa Pilipinas.

Nariyan din ang isang bilyong dolyar ($1 B) na halaga ng duty-free market access for Philippine products. Ibig sabihin nito ay makakapasok sa mga merkado ng Estados Unidos ang ating mga produkto ng walang babayarang buwis sa Amerika. Nagawa natin ito noon sa tuna at ngayon naman ay sisikapin nating makuha pa rin sa carrageenan nang sa gayon ay lumaki ang kita ng ating mga seaweed farmers, lalo na sa Sulu at Tawi-Tawi.

Para sa ating paglaban sa kahirapan, ang Amerika ay nagkaloob ng apatnapu’t-dalawang milyong dolyar ($42 M) sa ilalim ng food for peace; siyamnapu’t-anim na milyong dolyar ($96 M) na development assistance and child survival assistance, kasama na ang mga bitamina at gamot; pitumput-tatlong milyong dolyar ($73 M) mula sa USAID para sa iba’t-ibang programa sa Mindanao; at isang milyong dolyar ($1 M) para sa rural electrification.

Nakakataba ng puso ang mainit na pagtanggap, mga natatanging parangal at mahahalagang tulong na nakamit ng ating delegasyon sa Amerika. Tulad ng sinasabi ko saanman ako magpunta, ang lahat ng ito ay nagbibigay-dangal at pagkilala sa bawa’t mamamayang Pilipino.

Sa susunod na linggo, pupunta ako sa South Korea, para sa isang state visit at para sa isang working visit sa Japan. Doon, muli akong magsusumikap para makamit ang katuparan ng mga pangangailangan at pangarap ng ating mga kababayan para sa kabutihan ng lahat.

Lubos ang aking kasiyahan na marami nating mga kababayan ang makikinabang sa mga bunga ng aking pagdalaw sa Amerika. Pero, marami pa tayong kailangang gawin upang matamasa ang mga biyayang ito nang husto. Gayundin marami pa tayong kailangang gawin upang matugunan ang ating mga problema, kabilang na ang mga natural na kalamidad na hindi natin kayang pigilan.

Malaki pa rin ang aking tiwala sa kakayahan nating lampasan ang anumang krisis sa pamamagitan ng ating pagkakaisa at pagtutulungan. Ang kaugalian nating ito, kasama ang ating likas na sipag at talino, ang patuloy na maghahatid sa atin ng pagkilala at paggalang ng buong mundo.

Maraming salamat at patnubayan nawa sana tayo ng Poong Maykapal.

TOP


Developers ask for more time to build 237,076 housing units up to 2004

The Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has asked President Gloria Macapagal-Arroyo to give it more time to fulfill its commitment to build a total of 237,076 new housing units from 2002 to 2004.

In a meeting Friday with the President at the Dusit Hotel Nikko in Ayala Center, Makati City, SHDA officials said that because of time constraints, only 35 percent, or 27 of the original 76 developers, has released figures of housing units built by 89 of the 255 housing projects under the SHDA Pledge 200,000 program.

SHDA National President Jesus Atencio reported to the President that these reports, even coming from a small portion of the SHDA membership, have already exceeded the take-out levels of government financing institutions, such as Pag-IBIG Fund, for the same period.

"We are still confident that with the remaining time available up to 2004, we can still meet our commitment to you for the 277,076 units," Atencio said.

The President, who had a dialogue with the country’s big housing developers and top bankers, said that she met with them to discuss the perception that development in the housing sector has slowed down.

The President asked them pointblank: "Are you still building," for which the housing developers answered "Yes."

She said that her administration is doing everything to remove bottlenecks in housing transactions and encouraging the private banks to participate more actively in the housing sector.

The SHDA informed the President that they prefer to be market-driven, saying that they have learned from the perils of supply driven housing production in the past and how it has almost brought ruin to sustainable housing development and financing.

"As long as the present state of local and international affairs is conducive for the market to buy our housing products, SHDA developers will not hesitate to produce all the houses that the market effectively demands," SHDA members informed the President.

The SHDA also informed the President that if there is anything that SHDA would like to highlight as the hallmark of the Macapagal-Arroyo administration’s housing program, it is the "return of developers’ confidence" in the present state and future of the housing sector of this country.

Atencio pointed out that as a result of the administration’s reforms in housing finance and processing of permits, the SHDA has become bullish about the industry even in the short-term.

TOP


GMA to certify 3 bills to prevent repetition of the Manila Bay sea tragedy

President Gloria Macapagal-Arroyo today said that she would certify as urgent three bills to prevent the repetition of the sea tragedy at the Manila Bay last week that killed at least 31 people.

In her radio message, the President said that one of the bills that she would certify as urgent would create an Independent National Transportation and Safety Board that would handle the investigation of all major and serious transport accidents on land, air and sea.

The second bill, the President said, would provide the integration of all concerned government agencies into one body in order to achieve a coherent direction in the development of the country’s maritime industry.

The third bill would seek to upgrade all maritime laws into the Maritime Code of the Philippines.

In her radio message, the President also said that all those who would be found responsible for the sinking of MV San Nicolas after a collision with Super Ferry 12 would be punished.

"Masusi nating pag-aaralan kung paanong hindi na mauulit pa ang ganitong trahedya (We are studying carefully on how to prevent a repetition of such a tragedy)," the President said.

TOP