| .. |
10 MAY 2003 |
| President's radio address to the nation |
Magandang araw sa lahat ng ating mga taga-pakinig. Ang sunud-sunod na pag-atake ng mga rebeldeng MILF sa mga sibilyang komunidad ng Maigo, Lanao del Norte, at Siocon, Zamboanga del Norte, gayundin sa isang evacuation center sa Pikit, North Cotabato ay maliwanag na mga akto ng terorismo na hindi natin dapat ipagwalang-bahala. Kailangang managot ang liderato ng MILF sa mga karahasang ito at isuko sa gobyerno ang mga may kagagawan. Maliwanag ding pagyurak ito sa hangad nating pagpapatuloy ng peace talks kaya patunay ito ng kawalan ng sinseridad ng MILF na makamit ang kapayapaan. Nagkakamali ang MILF kung inaakala nilang makakakuha sila ng concessions sa usapang pangkapayapaan dahil sa mga kaganapang ito. We shall not allow the peace talks to be held hostage by the threat of terror. We shall pursue an all out legal offensive against the leaders of the MILF while conducting punitive action against the direct perpetrators of terrorist acts. Dapat itakwil ng walang pasubali ng MILF ang terorismo bilang paraan sa pagkamit ng kanilang mga layunin kung nais nilang maka-iwas sa kaparusahan. Hindi lulubag kailanman ang ating galit sa mga pumapatay o sumasalanta sa mga taong walang kalaban-laban. Ang gobyerno ay hindi maaring balewalain ang pagdanas ng mga inosenteng pamayanan ng di makataong pamiminsala. Hindi natin papayagang maganap ang terorismo na nagkukunwaring bahagi ng pakikipag-laban para sa kalayaan. Isusulong lamang natin ang kapayapaan sa ilalim ng batas at kautusan ng Konstitusyon. Kaya naman, inatasan ko na ang ating peace negotiators na ipabatid sa Malaysian government ang ating hangaring ipagpaliban ang exploratory talks sa Kuala Lumpur hanggang makatiyak tayo ng mas mabuting kalagayan para isulong ang prosesong pangkapayapaan. Idudulog din natin ang panig ng pamahalaan sa harap ng Malaysia at Indonesia, sa Organization of Islamic Conference o OIC sa buong daigdig ng Islam. We shall deploy all the local instruments of the state to end this conflict and bring peace to the homes of our people. Meanwhile, I call on everyone to be vigilant and alert against terrorist trepidation and acts of cruelty against civilians. Tinatawagan ko lalung-lalo na ang mga komunidad na madaling masalakay ng kalaban na palakasin pa ang kanilang mga depensa laban sa terorismo. Paghusayin ang kanilang crisis management plans at higpitan ang pakikipag-ugnayan sa ibang bayan para matyagan ang pagkilos ng mga terorista. Hinihiling ko ang ating buo at tapat na pagmamatyag sapagkat ang terorismo ay malakas ang loob. Hindi sapat ang pagkilos ng pamahalaang nasyonal lamang. Ang pakikipagtulungan at pagbabantay ng buong komunidad at lahat ng pamahalaang lokal ay kailangan upang ang ating bansa ay mailigtas para sa mga mamamayan. Ang banta ng terorismo ay kailangan ang puspusang kilos ng buong pamahalaan hanggang sa hanay ng barangay para subaybayan ang mga nakakahinalang tao, gawain, at kagamitan. But, I also ask forbearance from the Christians of Mindanao. Do not take the law into your own hands and harm innocent Muslim communities with anger. I will apply the full force of the law against any form of vigilantism. This is not a fight between Muslims and Christians. It is a fight between the evil forces of terror on one side and all civilized and peace-loving Filipinos on the other. Ginagawa ng gobyerno ang lahat para harapin ang krisis na ito pero hindi tayo dapat maging kampante at luwagan ang ating pagbabantay. Suportahan natin ang inyong pamahalaang lokal at ang crisis management council nito sa kanilang pagpapatupad ng contingency plans laban sa terorismo. We shall combine military actions, stringent legal measures, full diplomatic pressure, and community preparedness to bear upon the MILF threats. Ive instructed that all the terrorist acts of the MILF be fully documented and be brought before the OIC and especially before the OIC Committee of the Eight that is charged with monitoring the Mindanao problem. We will not allow the MILF to continue fooling the Islamic world. It is an insurgent organization with legitimate aims engaging in murdering innocent civilians. Madalas kong sabihin na lahat ng ating pagsisikap na umunlad ang ating bansa ay mababale-wala kung hindi tayo magkakaroon ng kapayapaan sa Mindanao. Kaya naman sa simula pa lamang ng aking panunungkulan bilang Pangulo, pinag-tuunan na natin ng pansin ang paghahatid ng kapayapaan at kaunlaran sa Mindanao pero huwag nating hayaang masayang ang ating mga pagsisikap dahil sa paghahasik ng takot ng iilang rebelde at terorista. Sa ating pagkaka-isa nakasalalay ang kapayapaan at seguridad ng ating bansa. Kaya hinihiling ko ang inyong mahalagang tulong, magsama-sama tayo at magtulungan na wakasan ang kaguluhan at bigyang katuparan ang pangako ng Mindanao. Ang tagumpay ng Mindanao ay tagumpay ng ating bansa at ng buong sambayanan. Ang ating pagkaka-isa sa ilalim ng isang bandila ang maghahatid sa atin tungo sa mapayapang pamumuhay at sa isang matatag at matibay na Republika. Magandang araw muli at maraming salamat po. |
| GMA wants to leave behind legacy after term |
When President Gloria Macapagal-Arroyo steps down from office next year to give way to her successor, she wants to leave behind three things as her legacy to the nation a strong Republic, a healed nation, and a clean, modern 2004 election. The President revealed this Thursday (May 8) during the weekly television program, The Working President, which is celebrating its 100th episode. In the program aired over NBN 4, the Chief Executive told program host Jolina Magdangal that for the nation to stamp out poverty, it must have a strong Republic founded on a robust economy where jobs are aplenty and prices of basic commodities are stable. "Kaya nga inilunsad natin itong roll-on roll-off (nautical highway) para magmura yung mga bilihin na nanggagaling sa Mindanao patungong Luzon (That is why we launched this roll-on, roll-off nautical highway to bring down prices of basic goods)," she said. To strengthen public institutions, the President said the government has raised the salaries of judges, policemen and the soldiers because they are among the lowest paid "when I sat as President." She also expressed hope that the wounds of division she said she inherited when she came into power would be healed. She urged the Filipino people to work for a clean and honest election next year, saying a modernized system of elections is one important reform that she wants to leave behind as a legacy to the nation. The President took the occasion to thank the Filipino people for their continued trust in her government despite the bad times, as shown in the latest Pulse Asia survey which gave her high approval ratings. "Nagpapasalamat ako dito dahil sa kabila ng napakahirap na panahon ngayon hindi lamang sa Pilipinas kungdi sa buong mundo ay yung tiwala naman ng taong bayan ay tuloy-tuloy pa rin (I would like to express my gratitude to the people for their continued trust despite the bad times not only here but also worldwide)," the President said. She added that surveys are important to her because they serve as her guide in formulating important decisions. "Alam naman natin na minsan mataas, minsan mababa. Ang importante ay ginagawa natin ang ating trabaho (We know that sometimes our approval ratings are high, sometimes low. What is important is that we are doing our job)," she added. The Working President features the different activities of the President and other documentaries on government agencies, projects and programs. It is aired Thursdays on RPN 9, 10-11 a.m. and NBN 4, 6-7 p.m.; Fridays on IBC 13, 11:30 p.m.-12:30 p.m.; Saturdays on NBN 4, 8-9 a.m. and/or 8-9 p.m. (replays); ANC 21, 8-9 a.m.; Pinoy Channel (The Global Cable, Inc.) 9-10 a.m.; RPN 9, 11-12 mn; Sundays on Radyo ng Bayan stations, 7-8 a.m.; Pinoy Channel, 9-10 a.m.; NBN 4, 10-11 p.m. (irregular); Mondays on ICS-TV 56 (Destiny Cable) 11 12 nn; and Tuesdays on ICS-TV 56, 7:30-8:30 p.m. |