| .. |
| 25 JANUARY 2003 |
| GMA says gov't to use counter force against urban guerilla hit squads | |||
| President's radio address to the nation |
| GMA says gov't to use counter force against urban guerilla hit squads |
President Gloria Macapagal-Arroyo today warned groups seeking to forcefully destabilize the governments peace initiatives that they would be met by counter force employing the countrys fullest democratic arsenal. In a speech keynoting the general membership meeting and convention of the Philippine Military Academy (PMA) Alumni Association at Camp Aguinaldo, the President said: "Threats will not work and shall be answered by counter force." She was referring to urban guerilla hit squads said to be operating in Metro Manila and could be responsible for the senseless killing of former New Peoples Army (NPA) chief Romulo Kintanar. "We shall not give any quarter to terrorist groups. We have deployed the teams to bring their urban cells to justice," she said. The government, she added, would "not allow the murder and intimidation of former rebels who have come back to the folds and helped us in our peace and development program." But the Chief Executive said the government is open to talking peace "with those who are serious in this great quest of our people." She said she had approved the governments draft of the final peace agreement with the Communist Party of the Philippines. The agreement, she noted, met the "standards of our sovereignty and the Constitution." "Our internal security policy shall continue to rest upon a balance of focused security operations and peace initiatives. We cannot disregard the paramount need for law and order," she said. "We cannot be heedless of our peoples aspirations for peace." The President said the brutal slaying of Kintanar would not go unpunished. "Yesterday, I ordered Gen Jun Ebdane, PMA Class 70, to immediately form a special task force to neutralize urban guerilla hit squad which may be operating in Metro Manila." The task force is empowered to use all available means in the countrys democratic arsenal to account for the perpetrators and carry out the Presidents general instructions, "But we shall not strike out indiscriminately. We shall take down the most in corrigible terrorist, but we shall me mindful, as Rolly Kintanar was in life, of the imperative of peace," she said. |
| President's radio address to the nation |
Magandang araw sa ating mga taga-pakinig. Isang karangalan para sa ating bansa ang mapili ng Santo Papa bilang lugar ng kasalukuyang ginaganap na 4th World Meeting of Families. Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na ang sinasabing pagpupulong ay idinaraos sa Asya. Ang ganitong meeting ang talagang kailangan natin sa panahong ito. isang pagsasama-sama ng mga pamilya mula sa ibat ibang dako ng daigdig ang ipagdiwang ang lakas ng pananampalataya, pagmamahal at pag asa. Dinadalangin ko na sana ay pag-alabin ng okasyong ito ang ningas ng pag-kakaisa at kapayapaan sa buong mundo. To our foreign delegates and guests, we Filipinos are more than glad to receive you in our country. And we wish you a memorable stay in Manila. To the local delegates who come from the various parts of the Philippines, I hope you take this opportunity to further strengthen the ties you have with your family and friends and make new ones as a well. Sa ating mga Pilipino, napakahalaga ng pamilya boilang isang institusyon. Katunayan, tinuring nating kapamilya hindi lamang ang ating mga kadugo kundi maging ang mga malalayong kamag-anak at malalapit na kaibigan. Sa gitna ng maraming pressures na dulot ng makabagong panahon na nagiging sanhi ng pagka-buwag ng mga pamilya, lalo nating dapat pahalagahan ang ating mga values, o kaugalian para manatiling buo at matatag ang ating mga pamilya. Una na rito ang moral values, kung saan ang mga pundasyon ng ating pamilya ay matibay na naka-ugat. Ang katapatan at pag-galang sa kabanalan ng kasal ay kaugaling kristiyano, at maging ng ibang relihiyon na dapat nating itaguyod. Bukod dito, ang biyaya ng mga anak bilang bunga ng pag-aasawa ay ligaya ng buhay na patuloy nating iingatan. Mula sa matitibay na pundasyong ito nagbubuhat ang mga values ng responsible parenthood, at responsible parenting. Ibig sabihin ng reponsible parenting, bawat pamilya ay may karapatan at tungkuling mag-pasya sa bilang ng gusto nilang maging anak. Mahalaga rin na maging handa ang mag-asawa sa pagkakaroon at pagpapalaki ng anak. Ito ang tinutukoy na responsible parenting, na dapat ay maging wasto ang pag-aalaga at pagpapa-aral sa mga bata upang sila ay maging mga prodaktibong mamamayan. Dito ay makikita nating ang kaugnayan ng kahirapan sa laki ng pamilya, at kalidad ng buhay ng mga magulang at kanilang mga anak. Bagamat nirerespeto natin ang karapatan ng mag-asawang mag-pasya sa laki ng kanilang pamilya, dapat natin silang paalalahanan na nasa laki ng kanilang pamilya nakasalalay ang uri ng magiging kalagayan nila sa buhay. Sa bandang huli ang hangad natin ay ilagay ang pamilyang Pilipino sa sentro ng ating pagsisikap na umunlad. Bagamat dapat nating pag-tuunan ng pansin ang ating mataas na birth rate, ang aking administrasyon ay nangangakong ipagtatangol ang family values at principles na kailangan upang mapanatili ang integridad ng ating buhay kristiyano. My population policy is based on Christian formation and the constitution. It may be defined through four basic principles, namely: (1) responsible parenthood, (2) respect for life, (3) birth spacing, and (4) informed choice. Isa sa mga dahilan kung bakit hindi nakakasunod ang maraming pamilya sa pag-practice ng responsible parenthood ay ang kakulangan ng tamang impormasyon o kaalaman kung paano ito gagawin. kayat tayo ay maglulunsad sa darating na buwan ng education campaign on responsible parenthood. Tuturuan natin ang mga magulang na maunawaan ang kanilang pananagutang magpasya sa bilang ng anak na maari nilang buhayin nang may dignidad, at hahayaan natin silang pumili nang kanilang paraan upang tuparin ang kanilang desisyon na naayon sa kanilang kultura at relihiyon. Hihimukin natin ang mga mag-asawa sa birth spacing, o ang pag-aagwat sa panganganak sa dalawa o tatlong taon man lamang, at ipapa-alam sa kanila na may mga makabagong teknolohiya tungkol dito na hindi lalabag sa kanilang paniniwala. For this reason I have instructed the department of health to conduct a nationwide campaign to empower all Filipino families to make truly informed choices by providing them with fertility awareness education. Kaugnay nito, pinahuhusay natin ang kakayahan ng ating health workers na turuan ang mga mag-asawa ng makabago at tanggap ng siyensiya na mga paraan ng natural family planning. Nakipagkasundo na rin ang Kagawaran ng Kalusugan sa pinakamalaking komunidad ng Katoliko sa bansa, ang Couples for Christ para itaguyod at magturo ng natural family planning sa buong kapuluan, sa pakikipagtulungan ng mga organisasyong nakabase sa simbahan at pamayanan. This is Christian, and this is responsible, and this is constitutional. And we will pursue this all the way until I pass on the policy, hopefully, to my successor. Bilang pang-wakas, ipinapaabot kong muli ang aking taos pusong pagbati sa lahat ng dumalo sa 4th World Meeting of Families. Nakiki-isa ako sa mga layunin ninyo, at matagumpay sanang matapos ang inyong pagpupulong. Naway pagpapalain tayong lahat ng maykapal. Maraming salamat po. |