..

11 JANUARY 2003
bulet-arow.gif (856 bytes) President's radio address to the nation
bulet-arow.gif (856 bytes) Two new laws fast track GMA efforts to eradicate corruption, revive economy

President's radio address to the nation
Magandang araw po sa lahat ng ating mga tagapakinig.

Nitong nagdaang linggo, inihayag ko ang aking vision na gagabay sa aking Administrasyon sa natitirang labimpitong buwan ng aking pagiging Pangulo ng bansa. Dadalhin ko ang hamon ng kaunlaran sa ating mga kababayan at hihingin ko ang inyong suporta -- hindi para sa eleksiyon sa 2004 kundi para sa aking mga reporma at inisyatibo. Sa mga darating na araw at linggo, ihaharap ko sa inyo ang ating mga programa na sa aking paniwala ay magiging gabay at daan sa pag-unlad ng ating bansa.

Naghandog nga ako ng sakripisyong huwag tumakbo sa pagka-Pangulo, pero hindi nito mababawasan kahit konti ang aking pagsisikap na makamtan ang ating mga pambansang mithiin.

Lumayo ako sa mapanirang pulitika na humahadlang sa ating pagkakaisa na kailangang-kailangan upang isulong ang ating bansa. Ngayong malaya na sa kulay ng pulitika ang mga reporma at inisyatibong ipapatupad ko sa mga darating na araw, inaasahan kong tutulungan ninyo ako, kasama ng lahat ng ating mga lider sa iba't-ibang sektor ng pulitika at ekonomiya, upang mapaabot natin ang ating pangarap.

Gusto kong makita ang pagpapalakas ng ating ekonomiya, paglikha ng mas maraming trabaho, at paghimok sa mas maraming gawaing pang-negosyo, nang walang sagabal na corruption at red tape, at suportado kung kailangan ng mga angkop na patakaran na magtataguyod ng industrial development.

Pagsisikapan kong maghilom ang malalim na pagkawatak-watak sa ating lipunan habang aking inaasahang makagawa ng mahalagang hakbang para wakasan ang rebelyon ng mga komunista at tungo pa rin sa pagkabuo ng ating lipunan kasama ang mga kapatid nating Muslim.

At titiyakin natin na magkakaroon ng pinakamalinis at pinakamaayos na eleksiyon sa pagtatapos ng aking termino. Sa panahon ng eleksiyong yaon, ang oras na dapat sayangin ko sa mga debate kung ako ay kandidato ay magagamit sa pagpapatuloy ng ating mga programa ng pagbabago at pag-unlad hanggang huling sandali ng aking panguluhan.

Kahapon nga ay sinimulan ko na ang paghayag sa business community ng mga halimbawa na gagawin natin para matupad ang aking vision. Dalawang batas na nilagdaan ko ang malaki ang maitutulong sa pagpapatupad ng ating mga programa.

Ang Special Purpose Vehicle Act ay magbibigay ng dagdag na puhunan para sa mga proyekto ng gobyerno, lalo na sa pabahay. Kung mas malaki ang ating puhunang magagamit para sa pabahay, dadami ang magpapagawa ng bagong tahanan at dadami rin ang magkakaroon ng trabaho mula sa sektor na ito. Mas dadami rin ang magkakaroon ng pagkakataong maging may-ari ng sariling bahay.

Ang pangalawang batas ay ang Government Procurement Act na tutulong upang masugpo ang corruption na nagaganap sa pamahalaan. Pabibilisin ng batas na ito ang pagbili ng mga kagamitan ng gobyerno pero gagawing maliwanag at malinis ang proseso nito. Mababawasan na ang oportunidad na mandaya sa presyo, kaya higit na malaki ang matitipid ng pamahalaan.

Tinatayang umaabot sa P22 bilyon ang napupunta sa ibat ibang uri ng korupsyon at pagnanakaw sa kaban ng bayan taun-taon. Kahit na ang halagang ito lamang ang ating matipid, sapat na ito upang pag-aralin ang isa at kalahating milyong kabataan hanggang sila'y makatapos ng elementarya. Magagamit din ang halagang ito sa pagpapa-ayos ng mga kalsada at tulay, pagpapatayo ng irigasyon sa kanayunan o di kaya'y pagbili ng murang gamot na puwedeng ibahagi sa mga mahihirap.

Lalo kong pagbubutihin ang pagpapatupad ng walong programang binigyan natin ng prayoridad. Kabilang na dito ang pagpapalago ng agrikultura at pagpapahusay ng mga piyer para sa roll on roll off ferry mula Mindanao hanggang Luzon upang hindi lamang maging mabilis ang biyahe kundi maging mas mababa pa ang pasahe sa barko at ang cargo fares ng ating mga mangangalakal. Dahil ang bansa ay binubuo ng libu-libong isla, isipin ninyo ang ginhawang maidudulot nito sa mga bumibiyahe sa karagatan. Maging na rin ang mga binibili niyong pagkain na bumabiyahe mula sa Mindanao hanggang Luzon.

Kapag natapos na ang programang ito, hindi lamang marami ang mahihimok na mamasyal sa iba't-ibang dako ng Pilipinas, mapapabilis din ang pagluwas ng bigas, mais at iba pang produkto mula Mindanao hanggang Luzon at ng mga kagamitang gawa sa lungsod pabalik.

Sa ganitong paraan natin matutulungang gumanda ang domestic trading kaya lalago ang maliliit na negosyo sa malalayong lalawigan at uunlad ang agrikultura na maghahatid ng sapat na pagkain para sa lahat.

Sa pamamagitan ng vision na inilahad ko at ang mga pagsisikap upang ito ay matamo, sana ay maunawaan ng ating mga kababayan na, bilang inyong Pangulo, handa akong gawin ang lahat sa abot ng aking makakaya upang mapabuti ang kapakanan ng buong bayan. Kaya, isantabi na muna natin ang pulitika at tayo ay magtulungan.

Nakahanda ang pamahalaan na tumulong sa ating mga mamamayan sa lahat ng oras. Kaya lamang, maging handa sana tayong mag-sakripisyo kung kinakailangan.

Samahan ninyo ako at mas magiging matamis ang tagumpay na ating makakamtan.

Maraming salamat at magandang araw pong muli sa inyong lahat.

TOP


Two new laws fast track GMA efforts to eradicate corruption, revive economy

President Gloria Macapagal Arroyo today said the two new laws she signed last Friday would accelerate efforts to eradicate graft and corruption and at the same time revive the economy.

In a radio message, the President said both the Special Purpose Vehicle Act and the Government Procurement Act would be very helpful in her eight-point work program for the next six months.

The President’s eight-point work program is as follows:

    1. To strengthen small and medium enterprises;
    2. Jumpstart housing;
    3. Reduce cargo costs from Mindanao to Luzon;
    4. Decongest Metro Manila;
    5. Mark up the contributions of the Presidential Commission on Good Government to the fiscal resources;
    6. Make Makati a specific urban tourist destination and the reclamation area on Roxas Boulevard as a tourism complex or the Nayong Filipino;
    7. Stimulate private investment in agriculture; and,
    8. Address the deficit problem through both administrative and legislative measures.

"Ang Special Purpose Vehicle Act ay magbibigay ng dagdag na puhunan para sa mga proyekto ng gobyerno, lalo na sa pabahay. Kung mas malaki ang ating puhunang magagamit para sa pabahay, dadami ang magpapagawa ng bagong tahanan at dadami rin ang magkakaroon ng trabaho mula sa sector na ito. Mas dadami rin ang magkakaroon ng pagkakataong maging may-ari ng sariling bahay (The Special Purpose Vehicle Act would contribute additional funding for government projects, especially in housing. If we will have more capital for housing, more will build houses. Subsequently, more jobs will be generated from this sector. There will be more people who will have their own houses)," the President explained.

The Government Procurement Act, the President said, will deter corruption in government. "Pabibilisin ng batas na ito ang pagbili ng mga kagamitan ng gobyerno pero gagawing maliwanag at malinis ang proseso nito. Mababawasan na ang oportunidad na mandaya sa presyo, kaya higit na malaki ang matitipid ng pamahalaan (This law will expedite the procurement of government equipment and supplies but in a clear and clean procedure. Opportunities to cheat will be lessened so the government will have bigger savings)," the President said.

According to the President about P22 billion is lost to different forms of corruption in the government coffers yearly. "Kahit na ang halagang ito lamang ang ating matipid, sapat na ito upang pag-aralin ang isa at kalahating milyong kabataan hanggang sila’y makatapos ng elementarya (Even if only this amount can be saved, this is enough to send to the elementary school one-and-a-half million pupils)," the President said.

The President added that the savings that can be derived from these laws would be used to build more roads and bridges, irrigation in the countryside and cheap medicine for the poor.

The President urged everybody to understand and join her in her vision for a better nation saying, "…bilang inyong Pangulo, handa akong gawin ang lahat sa abot ng aking makakaya upang mapabuti ang kapakanan ng buong bayan. Kaya, isantabi na muna natin ang pulitika at tayo ay magtulungan (As President, I am ready to do my best to improve the welfare of our countrymen. So, let us set aside politics and help one another)."

"Nakahanda ang pamahalaan na tumulong sa ating mga mamamayan sa lahat ng oras. Kaya lamang, maging handa sana tayong mag-sakripisyo kung kinakailangan (Our government is always ready to be of help to our countrymen at all times. But, of course, everybody must be ready also to make the necessary sacrifice)," the President stressed.

TOP