..

08 FEBRUARY 2003

bulet-arow.gif (856 bytes) GMA confers combat awards to 13 army troopers
bulet-arow.gif (856 bytes) President's radio address to the nation

GMA confers combat awards to 13 army troopers

President Gloria Macapagal-Arroyo today conferred combat awards, one posthumous, to 13 Philippine Army officers and soldiers who fought off and prevented communist terrorists from attacking a communications complex and military targets in Carranglan, Nueva Ecija last November 20.

In simple rites at the Heroes’ Hall of the Malacanang Palace, the President cited the bravery of the troopers who belonged to the 71st Infantry Battalion, 702nd Brigade, 7th Division under Maj. Gen. Alberto Braganza.

The President conferred the Distinguished Conduct Star, the second highest combat award, to Private First Class (PFC) Efigenio de Juan.

She also conferred the Gold Cross Medals to a company grade officer and nine enlisted men: 2nd Lieutenant Arnold Cabeza, Staff Sergeants Eddie Gabon and Claudio Banada, Sergeants Ric Anonuevo and Rolando Orfiano, Corporal Arnold Ayag, PFCs Norberto Conejar, Francisco Ruiz, Fernando Lapore and Bernard Quinto.

The President also noted the supreme sacrifice made by Corporal Tony Caballero as she handed over the posthumous award, a Gold Cross Medal, to Caballero’s widow Zenaida Caballero and son John Clarence.

The President gave Zenaida a check for P100,000 as financial aid. Caballero was the lone casualty on the government side during the battle in Nueva Ecija.

Lieutenant Colonel William Campos, the battalion commander, received the Silver Wing Medal.

Witnessing the awarding was Defense Secretary Angelo Reyes and the top brass of the Armed Forces of the Philippines (AFP).

The encounter ensued after Army headquarters acted on information that about 100 communist terrorists, believed to be combined forces from Aurora and Nueva Ecija, were poised to attack a communications complex in the area.

The encounter, a major victory for the AFP in the region, resulted in the killing of 17 terrorists, including commanders of the joint Aurora-Nueva Ecija fronts and the recovery of several high-powered firearms.

Subsequent operations led to the discovery and neutralization of several huge terrorist camps in Aurora and Nueva Ecija.

TOP


President's radio address to the nation

Magandang araw sa inyong lahat.

Marami sa ating mga kababayan ay nababahala tungkol sa pangyayari sa Middle East at ang magiging epekto nito sa ating araw-araw na buhay.

Kaya sa kabila ng pag-aalaga sa ating mga manggagawa doon, ang ating pansin ay inilalagay natin sa supply ng langis at presyo ng bilihin.

Matatag ang ating supply ng langis, bagamat kailangan nating harapin ang pagpapalit-palit ng presyo kaugnay ng nangyayari sa pandaigdigang merkado.

Ganumpaman, marami tayong pagkukunan ng langis dahil sa mga nakaraang buwan nakausap na natin ang mga pangunahin supplier natin kagaya ng Saudi Aramco maging mga bagong panggagalingan kagaya ng Russia.

Aalalayan ng inyong pamahalaan na mapatatag ang presyo ng mga pangunahing bilihin at tiyaking sapat ang supply ng mga ito.

Inaatasan ko ang ating mga rolling stores at NFA outlets na naglilingkod sa mga mahihirap na siguraduhing palaging may sapat na stocks ng mga pangunahing produkto.

Samantala, aalagaan ang ating mga food producers, at hindi natin papayagang bumaha sa mga pamilihan ang smuggled na pagkain, kagaya ng karneng baboy, manok, at gulay.

Ang Customs at Presidential Security Group ay naglunsad ng malawak na kampanya kontra sa food smuggling. Kamakailan lamang ay may pitumpo at walong container vans ang nasakote nila.

Ang Kagawaran ng Pagsasaka naman ay nakikipag-diyalogo sa mga magsasaka at food producers para matiyak na hindi sila pababayaan ng pamahalaan.

Pinasasalamatan ko ang mga nagmamalasakit na manufacturers na nagpanatiling matatag sa presyo ng kanilang produkto sa kabila ng tension na nangyayari ngayon.

Sa kabilang dako naman, binabalaan ko ang mga nais magsamantala sa ganitong sitwasyon na may balak magtago ng supply o maningil ng sobra.

We will protect our consumers from unscrupulous traders taking advantage of the situation. We prohibit traders from illegal acts like price manipulation, cartel activities, profiteering, and hoarding.

There are also concerns about the exchange rate. This is being monitored closely by the Central Bank. We will do all within our power to keep the rate stable and I ask the cooperation of the financial sector in this effort.

Kailangan natin ngayong higit na magtulong-tulong upang ipairal ang interes ng publiko.

Ang patuloy na pagyabong at paglago ng ekonomiya ng ating mga pamayanan at rehiyon ang inaasahan nating pundasyon ng ating kaunlaran. Kaya, sabay-sabay natin itong ginagawa sa buong Pilipinas.

Sa katunayan, noong isang linggo ay binuksan natin ang kakatapos lamang na pantalan ng roll-on-roll off ferry sa Roxas City.

Ang ferry terminal na ito ay isa sa mga proyekto na ating tinatayo upang mapababa ang presyo ng pasahe ng mga produktong nagbibiyahe mula Mindanao at Visayas hanggang Luzon.

Ina-ayos natin ang mga batayang depekto ng paraan ng pamamahagi ng pagkain ng bayan. Kasama ito sa ating tungkuling magkaroon ng pagkain sa bawat mesa.

Hindi natin dapat hayaan na ang isdang binibili niyo sa Butuan ng beinte-singko pesos mula sa mangingisda ay magtatapos sa ating mga palengke dito sa Maynila ng sandaang piso.

Kung maayos natin itong roll-on-roll-off ferry system, pwedeng mabayaran ang mangingisda ng mas malaki at pwedeng madala ang pagkain sa Maynila at maibenta ng mas mababa. Ito ay dapat ring mangyari sa mga prutas at gulay at iba pang klaseng pagkain.

Papaano? Sa pamamagitan ng pag-aalis ng di-kailangang pag-aksaya… pag-aksaya sa transportasyon, pag-aksaya sa mga nagsasamantalang tong kolektor at pag-aksaya paulit-ulit na mga gastos sa bawat pantalan na dinadaanan.

Kasi, sa pamamagitan ng roll-on-roll-off ferry, halimbawa iyong isdang nahuhuli sa Butuan, isasakay na lamang sa refrigerated trak at ang trak na mismo ang magbibiyahe mula Butuan hanggang Maynila, magbibiyahe yung trak sa susunod na terminal. Yung trak mismo hindi na ididiskarga yung kanyang sakay na isda. Magbibiyahe itong trak sa kalsada hanggang

sa susunod na ferry port hanggang umabot ang trak sa Maynila. Hindi na magdidiskarga ng isda sa bawat pantalan. Hindi na babayad ng mahal na port fees, hindi na babayad ng arrastre, hindi na babayad ng tong.

Marami pa tayong dapat gawin para sa kapakinabangan ng ating sambayanan.

At ang mga ito ay kailangan ng tulong ninyong lahat.

Hinihiling ko ang inyong suporta sa mga hakbanging ito ng ating pamahalaan. Iwaksi natin ang ating mga pangamba at magkaisa tayong isulong ang kagalingan ng ating bansa.

Maraming salamat po.

TOP